Pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor, ibinunyag ng apat na gang leader sa NBP!

Inamin ni Roy Mabasa, kapatid ng pinaslang na beteranong radio broadcaster na si Percy Lapid na apat na gang leader sa New Bilibid Prison (NBP) ang nagsiwalat ng mga pangyayari sa pagpaslang kay Lapid at sa sinasabing middleman na si Jun Villamor.

Sa isang panayam, sinabi ni Mabasa na malinaw na mayroong mga pangalan na binabanggit na sangkot sa pagkamatay ng kaniyang kapatid at ni Villamor.

Kinumpirma rin ni Mabasa na tugma ang naging resulta sa isinagawang autopsy ni forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun sa labi ni Villamor sa salaysay ng mga gang leader.


Samantala, ipinauubaya na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasapubliko sa dalawang mastermind sa Percy Lapid killing.

Nilinaw rin ni Remulla na halos tapos na ang imbestigasyon ng NBI at PNP sa naturang kaso.

Facebook Comments