Mga kandidatong gagawing prayoridad ang trabaho, healthcare, food security, edukasyon at pagpapababa ng presyo ng bilihin, iboboto ng 9 sa 10 Pilipino ayon sa isang survey

Siyam sa sampung Pilipino ang boboto sa mga kandidatong gagawing prayoridad ang paglikha ng trabaho, healthcare, food security, edukasyon at pagpapababa ng presyo ng bilihin.

Ito ang lumabas sa Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa noong March 15 hanggang 20 kung saan nasa 1,800 ang respondents at may 2% margin of error.

Sa survey, nanguna o nasa 92% ang paglikha ng trabaho sa mga pangunahing hinahanap ng mga botante sa mga kumakandidato habang 91% naman ang nagsabing iboboto nila ang mga nangakong aayusin ang healthcare system at tutugunan ang problema sa food security.


Kabilang din sa mga hinahanap ng mga botante ang pagresolba sa kahirapan at pagtaguyod sa karapatan ng mga manggagawa at Overseas Filipino Worker (OFW).

Ayon kay Stratbase Group President Dindo Manhit, ipinapakita ng resulta ng survey ang malalim na pangangailangan ng mga Pilipino pagdating sa kanilang kabuhayan kaya’t hamon aniya sa mga kandidato na seryosohin ang hinaing ng taumbayan.

Facebook Comments