DOJ, nanindigan na batay sa best judgement ang pag-surrender kay FPRRD

Nanindigan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na batay sa “best judgement” nila ang pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ang pahayag na ito ng kalihim ay sa gitna na rin ng pagtatanong nina Senators Imee Marcos at Ronald “Bato” dela Rosa dahil taliwas sa hinihingi ng diffusion notice ng Interpol na “extradition” ang gawin kay dating Pangulong Duterte ay “surrender” ang ginawa gayong maaari namang isinuko na lang muna ang dating pangulo sa local court.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, sinabi ni Remulla na ang “extradition” ay ginagawa ng requesting party at ito ang ICC pero dahil hindi na tayo kasapi ng international tribunal ay “surrender” na lamang ang option ng ating bansa.

Sa kabila ng paggiit ng mga senador na walang sinasabing “surrender” sa diffusion order at bakit hindi na lamang hinintay ang ICC na mag-initiate ng “extradition” laban kay dating Pangulong Duterte, nilinaw ni Remulla na kailangang mayroong treaty o kasunduan ang Pilipinas sa extraditing state para maisakatuparan ito.

Muling iginiit din ni Remulla na kaya isinuko si Duterte ay ito ang option na pwedeng gawin ng bansa sa ilalim ng Republic Act 9851 ay ang pag-surrender na nakahanay sa International Humanitarian Law.

Facebook Comments