Mga kandidatong nagtatanggol sa fuel excise tax, ipinanawagang huwag iboto

Kasunod ng panibagong big time oil price hike sa gasolina lalo pang lumakas ang panawagang alisin ang excise tax sa langis.

Ayon sa bagong alyansang makabayan – dapat ding maging criteria sa halalan o panukat sa mga kandidato ang nasabing isyu.

Kaya panawagan ng grupo sa mga botante, huwag iboto ang mga kandidatong tinawag nilang manhid dahil sa patuloy na nagtatanggol sa train law at sa excise tax sa langis.


Umapela naman sila sa mga kandidato na lumagda ng kasunduan sa consumers na isulong ang pagtatanggal sa fuel excise tax oras na sila ay mahalal.

Facebook Comments