Mga kasalukuyang partylist representatives, kanya-kanyang hain ng kandidatura para sa reelection

Naghain na rin ng certificate of candidacy (COC) para sa reelection sa 2022 ang ilang kasalukuyang partylist representatives.

Ilan sa mga naghain ay si Deputy Speaker Bernadette Herrera bilang 1st nominee ng Bagong Henerasyon partylist.

Susubok din ang ACT-CIS na mapanatili ang kanilang 3 congressional seats sa susunod na eleksyon.


Sa ngayon, ang kumpirmado pa lamang na kakatawan sa ACT-CIS ay si Rep. Jocelyn Tulfo bilang kanilang 2nd nominee.

Wala pa naman detalye sa kung sino ang magiging 1st at 3rd nominee ng grupo.

Samantala, ang isa sa mga kinatawan ng partylist na si Rep. Eric Yap ay tatakbo naman bilang district representative ng Benguet.

Matapos naman ang tatlong termino sa pagka kongresista ay tatakbo naman bilang alkalde ng Legazpi City, Albay si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr.

Facebook Comments