Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, naghain na ng kandidatura bilang gobernador ng probinsya

Tatakbong gobernador ng lalawigan ng Quezon si 4th District Quezon Representative Angelina “Helen” Tan.

Naghain na ng kanyang kandidatura ang kongresista sa Lucena City sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Kasama nito na naghain ng certificate of candidacy (COC) ang running mate sa pagkabise gobernador na si Third Alcala, Cong. Mark Enverga bilang reelectionist ng 1st District, Bokal Reynan Arogancia kinatawan ng 3rd District at Mike Tan kinatawan ng 4th District.


Nangako si Tan na ipagpapatuloy ang nasimulang “healing agenda” at paiigtingin pa ang mga programa at proyektong pangkalusugan lalo na sa gitna ng kasalukuyang pandemya, kabuhayan at job generation upang masugpo ang kahirapan.

Facebook Comments