Manila, Philippines – Inilarawan ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV ang Senado na isa sa mga most damaged institutions simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ayon kay Trillanes ay dahil ang mga kasamahan niyang Senador ay mistulang mga puppet ng administrasyong Duterte.
Diin ni Trillanes, kung dati ay protektor ng demokrasya ang Senado, ngayon ito ay rubber stamp na sumusunod na lang sa dikta ng Malakanyang.
Pinuna pa ni Trillanes, ang mga ilang mga senador na chairman ng komite na tumatangging magsagawa ng imbestigasyon laban sa umanoy mga pag-abuso ng administrasyon.
Maliban dito, inakusahan din ni Trillanes ang Duterte administration ng pagsira sa Philippine National Police dahil sa pagpapatupad ng madugong kampanya laban sa iligal na droga.