Mga Katutubo sa San Mariano, Isabela, Nagbuklod sa Tulong ng YLS!

Cauayan City, Isabela- Nagkabuklod-buklod ang ilang mga katutubo na mula sa iba’t-ibang barangay na apektado ng insurhensya sa bayan ng San Mariano, Isabela sa pamamagitan ng tatlong (3) araw na Youth Leadership Summit (YLS) ng mga Indigenous People.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Sangguniang Bayan member Marivic Buguina Sumisim ng San Mariano na panauhing pandangal sa closing ceremony ng YLS kahapon, sinabi nito na dahil sa naturang aktibidad ay nagka-kilakilala at nagkaroon ng bonding ang mga katutubong agta, kalinga at Ibanag.

Naging malapit aniya sa isa’t-isa ang mga dumalo sa aktibidad na kung saan nasa edad 11 taong gulang ang pinakabatang partisipante.


Sinaksihan rin ng ilang mga dating rebelde ang pagtatapos ng 98 na mga katutubo sa YLS.

Ayon pa kay SB Member Buguina, malaki ang naitulong ng naturang programa ng pamahalaan dahil nadagdagan ng kaalaman at naturuan ang mga ito na maging aktibo sa komunidad at mailayo sa panghihikayat ng mga rebeldeng grupo.

Nakahanda rin aniya itong tumulong sa kasundaluhan lalo na sa edukasyon ng mga kababayang IP’s.

Facebook Comments