Mga kawani at mag-aaral, hinikayat ng DepEd na lumahok sa expanded pediatric vaccination

Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga kawani at mag-aaral na lumahok sa pinalawak pediatric vaccination.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ang pagbabakuna ay isang habkbang para maprotektahan an gating komunidad at mga kabataan laban sa banta ng COVID-19.

Aniya, makakatulong din ito para sa ligtas na pagbabalik sa mga paaralan habang tinutulungan ang ating ekonomiya na makabangon.


Hinimok din ng kagawaran ang lahat ng field offices nito na makipagtulungan sa kani-kanilang mga Local Government Unit (LGUs) para sa tuloy-tuloy na vaccination drive sa mga bata at mga frontliners ng sektor ng edukasyon.

Tiniyak din ng DepEd Task Force COVID-19 (DTFC) na ang mga umiiral na patakaran sa paggamit ng mga paaralan bilang vaccination sites ay lalong palalawakin at hinihikayat ang mga paaralan na ginamit noon bilang vaccination sites na magbukas muli para sa pediatric vaccination.

Facebook Comments