Mga kinatawan ng Japanese government at JICA, bumisita kay Vice President Sara Duterte

Photo Courtesy: Inday Sara Duterte Facebook Page

Inilatag ng dalawang mataas na opisyal ng Japan government at kinatawan ng Japan International Cooperation Agency o JICA sa Pilipinas ang pagnanais na mapalakas ang edukasyon at economic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ito ang ipinabatid nina Japan Minister for health, labor, and welfare Katsunobu Kato at JICA Representative to the Philippines Sakamoto Takema sa kanilang courtesy call kay Bise Presidente Sara Duterte.

Ayon sa dalawang Japanese officials, bukas ang kanilang bansa upang mabigyan ng trabaho ang mga pinoy nurse, mga skilled worker, magtatag ng mga eskwelahan at magkaloob ng internship programs sa mga Filipino.


Sabi ni Minister for health, labor, and welfare Kato may 54.7 percent ng Filipino caregivers na nag-exam noong Marso ang pumasa, pinakamataas sa loob ng 10 taon.

Paliwanag pa ni Kato na nangangailangan pa ng maraming Filipino nurses upang magtrabaho sa ilalim ng Philippines-Japan Economic Partnership Agreement PJEPA.

Inilatag naman ni JICA Representative Sakamoto Takema sa vice president ang mga programa at proyekto na nais palawigin ng Japan sa Pilipinas isa na ang pagsasanay at pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon sa bansa.

Ibinalita rin ni Takema sa bise presidente na magbubukas ng puwesto ang Tokyo sa Department of Education officials at mga teacher.

Facebook Comments