Mga kinuhang contact tracers ng DILG, isasabak na sa trabaho sa Oktubre

Simula Ocrober ay isasabak na sa trabaho ang mga kinuhang contact tracers ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na karamihan sa 50,000 karagdagang contact tracers ay itatalaga sa mga lugar na mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.

Layon aniya nitong mahanap ang mga nakasalamuha ng mga COVID positive nang sa ganoon ay agad na silang ma-isolate upang hindi na makahawa pa ng iba.


Paliwanag pa ni Año, sa nabanggit na bilang ay 9,285 ang kinuha nilang taga Metro Manila at karamihan sa mga ito ay ide-deploy sa Quezon City.

Ginawa nilang prayoridad sa pagkuha ng mga contact tracers ay nakapagtapos ng medical allied courses at criminology maging ang mga nawalan ng hanapbuhay at displaced OFWs dahil sa pandemya.

Ngayon ang huling araw sa pag-a-apply para sa mga nagnanais maging contact tracer ng pamahalaan.

Facebook Comments