Mga kompanya na nag-abisong magpapatupad ng taas-presyo sa kanilang produkto, kakaunti pa lamang ngayong buwan, ayon sa PAGASA

Mas maingat na umano ngayong magtaas ng presyo ng kani-kanilang produkto ang mga kompanya.

Ito ay kinumpirma ni Philippine Amalgamated Supermarket Association (PAGASA) President Steven Cua kung saan sinabi nito na posible kasing wala ng bumili ng kanilang mga produkto kapag nagtaas pa ng presyo.

Aniya, ngayong nagsimula na ang “Ber Months” ay kakaunti lamang ang nag-abiso na magpapatupad ng dagdag-presyo sa kanilang mga produkto.


Dagdag pa ni Cua na nagsimula na rin ang taas-presyo sa mga produkto ng ilang kompanya o supplier.

Samantala, una nang inihayag ng PAGASA na bumili na ngayon ng mga promo packs o bundle package na inaalok ng mga supermarket dahil makatitipid ito ng mula P20 hanggang P70.

Paliwanag din kasi ng PAGASA na karaniwan ay mas mura pa ang Noche Buena products sa panahong ito at nagtataas ang presyo pagpapalapit na ang holiday season.

Facebook Comments