DILG, bukas na ayusin ang ‘miscommunication’ hinggil sa “non-obligatory” na pagsusuot ng face mask sa Cebu City

Bukas si Interior Secretary Benhur Abalos na ayusin ang “miscommunication” sa optional face mask policy ng Cebu City.

Ayon kay Abalos, pumayag ‘in principle’ si Cebu City Mayor Michael Rama na ipagpaliban ang “non-obligatory” na paggamit ng face mask sa mga open areas sa kanilang lungsod pero noong Huwebes ay nanindigan ang alkalde na mananatili ang naturang polisiya.

Aniya, nagkaroon siguro ng miscommunication sa napag-usapan nila ni Rama hinggil sa naturang isyu.


Giit ng kalihim, ginagalang niya ang pahayag ng alkalde at mananatili ring bukas ang kanyang komunikasyon para mabigyan ng pagkakataon ni Rama na ipaliwanag ang kanyang posisyon.

Facebook Comments