Mga kongresista mula sa ASEAN countries, hinikayat na makiisa sa kampanya kontra iligal na droga

Manila, Philippines – Hinimok ngayon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sumama sa anti-illegal drugs campaign ang mga mambabatas mula sa ASEAN member-countries.

Sa talumpati ni Alvarez sa pagbubukas ng 13th meeting ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly Fact Finding Committee o AIFOCOM to Combat the Drug Menace, sinabi nito na sa pamamagitan ng political will at pagtutulungan ay mawawasak ang illegal drug trade.

Ayon kay Alvarez, ang drug trafficking ang nananatiling pangunahing security concern sa ASEAN community at ang ASEAN region din ang nagiging pangunahing transshipment hub ng ikinakalakal na iligal na droga ng transnational organized crime group.


Hinikayat din nito ang mga kongresista sa ASEAN na palakasin ang mekanismo para mahinto na ang produksyon, trafficking at pag-abuso sa iligal na droga sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Nanawagan din ito sa AIPA member-states na palakasin ang pagtutulungan lalo na sa law enforcement at criminal justice system upang makamit ang drug- free ASEAN countries.

Facebook Comments