Mga kongresista, umaasang papasok na sa Kamara si Representative Duterte para idepensa ang kanyang drug testing bill

Nagpahayag ng pagrespeto ang ilang mga kongresista sa inihaing panukala ni Davao City First District Representative Paolo Duterte na nagsusulong na isailalim sa random drug testing ang lahat ng public officials kasama ang pangulo ng bansa.

Ayon kay Taguig City 2nd District Representative Amparo Maria “Pami” Zamora, sana ay maging daan ang panukala para pumasok na sa Kamara si Representative Duterte na matagal na nilang hindi nakikita.

Sina PBA Party-list Rep. Margarita “Atty. Migs” Nograles naman at Davao Oriental 2nd District Representative Cheeno Almario, kumbinsidong maganda ang intensyon ng batas pero sana ay wala itong personal na agenda at walang pinupuntiryang partikular na opisyal ng gobyerno o kandidato.


Diin naman ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, madaling maghain ng panukala pero mahalagang ikonsidera ang kalidad o nilalaman nito gayundin kung umaayon sa konstitusyon at mga desisyon ng Supreme Court.

Facebook Comments