Dinukot ng mga armadong lalaki na sinasabing private army ng pamilya Robes sa San Jose Del Monte Bulacan ang isang barangay kagawad na nanghuhuli lamang umano ng vote buying.
Sa isang pulong balitaan, sinabi nila San Jose del Monte City Councilor Irene del Rosario, bandang alas nueve kagabi nang dumating ang anim na armadong lalaki na nakasuot ng bonet at
sapilitang kinuha si Barangay kagawad Arnel Aspile at duon napag alaman nila na ang mga armadong lalaki ay pawang mga miyembro ng Civil Security Unit ng San Jose del Monte na kinabibilangan nina Pedro Ramos, pinuno ng CSU, Jonathan Pelayo at Reymond Espeta.
Nakita pa ng mga anak ni Aspile na isinakay ang kanilang ama sa sasakyan ng CSU.
Dismayado rin ang oposisyon dahil nagpapagamit umano ang hepe ng SJDM na si Police Colonel Castil sa pagimbento ng gawa gawang kaso laban kay Aspile.
Ayon naman kay Councilor Ryan Santos, nang magingay na ang mga kaalyado at pamilya ni Aspile, bigla na umano pumasok sa eksena ang PNP kung saan sinabi nila na sa kanila ang nangyaring operasyon at nakuhanan umano ng droga at baril si Aspile.
Dahil dito, umapela na sa DILG at Comelec na ang partido oposisyon na magimbestiga at lansagin ang CSU dahil nagagamit lamang umano sa panggigipit sa kanilang mga kandidato.