Mga korales sa Boracay, gumaganda na ang kalagayan matapos ang coral rehabilitation project

Boracay, Philippines – gumaganda na ngayon ang kalagayan ng marine environment sa isla ng Boracay matapos ang ginawang coral rehabilitation project ng Boracay Foundation Incorporated.

Sa ginawang underwater evaluation nakita na lumalago at dumadami na ang mga korales dahil sa tinatawag na “refurbishment” program.

Layunin ng nasabing proyekto na madagdagan at mapabuti ang marine life sa karagatang sakop ng Boracay na nasira dahil iresponsableng pag-angkla ng mga bangka.


Kung maalala, nagsagawa ng transplantation ng coral fragments ang mga volunteers na nakolekta mula sa nasira at na-dislodged na mga korales kung saan ang mga piraso nito ay palalakihin muna sa isang coral nursery sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan bago ito ililipat sa ilalim ng dagat.
DZXL558

Facebook Comments