Mga kumpanya sa Global City sa Taguig, magpupulong para sa security update sa terorismo

186

Taguig, Philippines – Magpupulong ngayong araw ang security managers ng malalaking kumpanya sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Pangunahing agenda sa pagpupulong ang security update sa terorismo.


Ang ikalawang pagpupulong naman ay gagawin sa Miyerkules sa SM Aura Corp bldg. sa nasabing lungsod.

Ilan ding opisyal ng PNP ang dadalo sa miting kasama ang security agencies.

Tatalakayin din sa pagpupulong ang mga leksyon sa nangyaring pag-atake ng isang gunman sa Resorts World Hotel sa Pasay City.
DZXL558

Facebook Comments