Binalaan ng Department of Labor and Employment Region 1 ang mga employer dito sa rehiyon na hindi susunod sa taas sahod.
Ayon kay DOLE Regional Director Evelyn Ramos, epektibo sa darating na ika-anim ng Hunyo ang taas sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa bisa ng wage order n0.21 at Wage Order no. 3 naman para sa mga kasambahay.
Aniya, bukas ang kanilang tanggapan sa mga reklamo ng mga manggagawa sa buong rehiyon at laging bukas ang kanilang Meta Account(Facebook page) na maaaring pagpadalhan ng kanilang mga concerns ukol sa umento sa sahod.
Dagdag pa nito, may mga makikita ring contact numbers sa kanilang Meta Account (FB Page) na maaaring kontakin, basta’t banggitin lamang ang pangalan ng establisyemento at ihayag ang reklamo at sila na ang bahalang mag-inspeksyon dito.
Samantala, aminado naman ang ahensya na mahabang proseso ang kakaharapin nito, ngunit sinisiguro nilang ito ay kanilang aaksyunan. | ifmnews
Facebook Comments