ASAWA NG JUDGE AT INTERNAL AUDIT MANAGER NG ISELCO II, BINARIL-PATAY SA LUNGSOD NG ILAGAN

144
Cauayan City, Isabela – Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng gunmen matapos pagbabarilin ang asawa ng isang RTC Judge bandang alas-5:00 ng hapon noong May 25, 2022 sa Brgy. San Felipe, City of Ilagan.

Ayon sa PNP, kinilala ang biktima na si Ginang Agnes Palce, 58-anyos, ISELCO II Internal Audit Manager, at residente ng Brgy. 2, Tumauini, Isabela.

Ang biktima ay asawa ni Hon. Judge Ariel Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela.

Batay sa impormasyon, nakasakay sa unahang bahagi ng Toyoto Innova ang biktima patungong hilagang direksyon at nang makarating ang sinasakyan ng biktima sa tapat ng isang gasolinahan, may dalawang lalaking sakay ng kulay gray na Yamaha Nmax ang nag-over take at walang habas na binaril ng isang beses ang biktima dahilan para mapuruhan ang kanyang kanang panga.

Samantala, labis naman ang panghihinayang ng mga katrabaho ng biktima mula sa electric cooperative sa nangyaring pagkawala nito.

Hiling ng mga katrabaho at pamilya ng biktima ang agarang mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa kanilang mahal sa buhay.

Facebook Comments