Binata na hinihinalang Nakaalitan ang Nobya, Natagpuang Patay sa Bakanteng Lote

32

Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng isang binata sa bakanteng lote matapos umano itong magbigti sa sarili sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, kinilala ang biktima na si Jarith Ardiente, 23-anyos, isang helper na tubong Iloilo City at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na barangay.


Pasado alas-5 kaninang umaga nang matagpuan ng nakatatandang kapatid ng biktima ang nakabitin sa puno na katawan ng binata gamit ang isang lubid.

Lumabas rin sa pagsisiyasat ng mga otoridad na nagkaroon ng pag-uusap si Jarith at kanyang kasintahan na nasa ibang bansa na may pinagtatalunan.

Samantala, inaalam pa sa ngayon kung iuuwi sa Iloilo City ang bangkay ng biktima, ayon sa kanyang pamilya.
Paalala naman ng pulisya sa publiko na kung maaari ay gawin na makipag-usap sa pamilya kung may nararanasang problema at magabayan upang maiwasan ang anumang insidente ng pagpapakamatay.

Facebook Comments