Handa si Sen. Panfilo Lacson na isiwalat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kwestyunableng budget insertions sa panukalang 2020 National Budget.
Nabatid na nadikubre ng Senador na nagkaroon ng last minute insertions ang mga Kongresista bago ipinasa ang Bicam Report.
Ayon kay Lacson, handa niyang i-akyat kay Pangulong Duterte ang mga nadiskubre niyang insertions.
Iginiit din ni Lacson na hindi niya pinirmahan ang report dahil sa mga insertion.
Hindi rin niya sinipot ang pagratipika nito sa Senado.
Pangamba ng Senador, aabot sa 83 Billion Pesos ang halaga ng insertions ng mga Kongresista.
Tiniyak naman ng Malacañang na i-ve-veto ng Pangulo ang proposed 2020 Budget kung may probisyong labag sa saligang batas.
Facebook Comments