Manila, Philippines – Magsasagawa ng malaking rally ngayong araw sa Senado ang mga labor groups para hilingin sa mga mambabatas na aprubahan na ang Senate Bill 1826 na mas kilala bilang Security of Tenure o Anti-Endo bill of 2018.
Ayon kay Trade Union Congress of the Philippines President Raymond Mendoza, ang kawalan ng approval ng Senado sa Security of Tenure Bill, na panlaban sa pagpapatigil sa contractualization ay mababalewala at ang sertipikasyon ng Pangulo dito bilang urgent at mawawalan ng saysay.
Alas dies ng umaga mamaya ay nasa Senate grounds na ang mga manggagawa sa ilalim ng Nagkaisa labor coalition kung saan tatalakayin ang panukala sa plenary session bandang alas tres ng hapon.
Malapit nang mag-adjourn ang Kongreso at magre-resume muli pagkatapos na ng election sa Mayo.
Nakikiusap ang milyong endo workers kay Pangulong Duterte na tiyaking maisabatas ang anti-endo bill na senertipikahan bilang urgent noong Setyembre 2018 para wakasan na ang contractualization.