Nasa kabuuang 73 Local Government Units mula sa mga probinsya ng Isabela, Quirino at Cagayan ang binigyan ng mga disaster equipment mula kay Senator Francis Tolentino.
Ang pamamahagi ng mga disaster equipment ay ginanap noong Biyernes, Nobyembre 18, 2022 sa sa Crown Pavillion, Tuguegarao City.
Ito ay bahagi ng “Strengthening LGU Capacities on Disaster Preparedness Cum Touch of Life: Disaster Training and Equipment Assistance Program” ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 2.
Tinanggap ng mga opisyal ang mga Local Government Units at local MDRRMOs ang mga disaster equipment katulad ng Portable Gasoline Generator, Emergency Rechargeable Power Station na may Solar Panel, Disaster Tent at Manual Rescue Tools with Hard case.
Ang mga disaster equipment ay ipinamahagi umano sa mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad kabilang ang Lambak ng Cagayan.
Facebook Comments