Nilibot ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Andres Centino ang mga liblib na kampo ng militar sa Mindanao para personal na makita ang sitwasyon ng kanyang mga tauhan.
Ilan sa mga binisita ni Lt. Gen. Centino ang Teren-Teren at Taguranao Patrol Bases (PB) sa Alamada ar Taguranao, North Cotabato, na nasa ilalim ng 6th Infantry Division.
Ang patrol base na ito ay itinuturing na forward bases kung saan naglulunsad ng mga combat at reconnaissance missions ang army sa Central Mindanao para mapanatili ang seguridad sa area of responsibility ng 6th ID.
Pumunta rin si Lt. Gen. Centino sa Camp Robert Eduard Lucero na nagsisilbing headquarters ng 602nd Infantry Brigade sa Carmen, North Cotabato.
Sa kanyang pakikipagusap sa mga tropa, hinikayat ni Lt. Gen. Centino ang mga sundalo na ipagpatuloy ang kampanya para wakasan ang kilusang komunista at iba pang bantang terrorista para makapamuhay ng mapayapa ang mga mamayan.