Mga lider ng ASEAN kabilang si PBBM, nababahala na rin sa sitwasyon sa Myanmar

Nababahala ang halos lahat ng lider na kabilang sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN kabilang si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa lumalalang gulo sa bansang Myanmar na kasapi rin ng ASEAN.

Ayon sa pangulo, sa ginanap na ASEAN Summit, ang solusyon para matapos ang gulo sa Myanmar ang isa sa pinagtutuunang talakayin ng mga kapwa lider sa ASEAN.

Hanggang ngayon kasi simula nang ikudeta ng militar ang pangulo ng Myanmar na si President Win Myint at tagapayo na si Aung San Suu Kyi dahil sa umanoy mga katiwalian ay hindi pa rin sumusunod sa five points consensus ang Myanmar sa kabila nang pagsang-ayon dito ng kasalukuyang namumuno na isang militar na si Min Aung Hliang.


Ang five points consensus ay peace plan na binuo ng mga lider ng ASEAN para matapos na ang gulo sa Myanmar.

Sinabi ng pangulo na may kaniya-kaniyang ideya o suhestyon ang bawat lider, may nagsasabi na tanggalin na ang Myanmar sa ASEAN o kaya huwag nang imbitahan sa mga gaganaping summit.

May nagsasabi rin na kausapin lang ang mga matataas na opisyal at huwag na ang mga nasa mababang posisyon.

Pero ang suhestyon ng pangulo ay kausapin pareho, lalo na ang interesadong makipag-usap para matapos na ang krisis sa Myanmar.

Simula nang nakaraang taon nang magsimula ang kudeta ay umabot na sa 27,063 sibilyan ang napatay, mahigit 11,000 ang inaresto at isang milyong inidibidwal ang internally displaced dahil sa nagpapatuloy na civil war.

Facebook Comments