Mga Pinoy sa Libya, binisita ng Philippine Embassy

Binisita ng Philippine Embassy sa Libya ang Filipino nurses doon na matagal nang nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Ilan sa kanila ay mahigit apatnapung taon nang nagtatrabaho sa Libya.

Bukod sa nasabing Pinoy nurses, binisita rin ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Jabel Oil Services.


Layon ng pag-iikot ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa lugar ng mga Pinoy sa Libya na alamin ang kanilang sitwasyon doon.

Sa harap ito ng bakbakan ng mga armadong grupo sa ilang bahagi ng Libya.

Facebook Comments