Bonus at cash gift ng mga pulis, makukuha na bukas ayon sa PNP

Merry Christmas!

Dahil maaari nang makuha ng lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Christmas bonus at cash gift simula bukas, Nobyembre 15.

Ito ang inanunsyo ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kasabay ng paalala sa mga pulis na gamitin sa maayos ang kanilang matatanggap na pera para sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.


Ayon sa PNP Chief, ₱8.5B ang inilaan na budget ng PNP para sa Christmas bonus na katumbas ng isang buwang basic pay at limang libong cash gift sa lahat ng 226,515 tauhan ng Pambansang Pulisya.

Pero hindi aniya kasama sa mga makakatanggap ng bonus ang mga nahatulan ng guilty sa mga administratibong kaso, alinsunod na rin sa umiiral na polisiya ng PNP.

Paalala naman ni Police Brigadier General Bowenn Joey Masauding, Director ng PNP Finance Service na ang lahat ng bonus kasama ang midyear bonus ay taxable kung lumagpas sa ₱90,000 ang kabuuan.

Facebook Comments