Monday, March 16, 2026

MGA LINGKOD-BAYAN SA BARANGAY, BINIGYANG-PUGAY SA ALAMINOS CITY

Binigyang-pugay ang mga lingkod-bayan sa barangay sa isinagawang Barangay Night bilang bahagi ng Hundred Islands Festival 2026 sa Alaminos City.

Dinaluhan ang programa ng mga opisyal ng barangay, agrarian reform beneficiaries, at mga mamamayan ng lungsod bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga lider-barangay bilang frontliners at tulay ng pamahalaan sa komunidad.

Sa mensahe ng kinatawan ng Department of Agrarian Reform, binigyang-diin ang kahalagahan ng Barangay Night bilang tradisyong nagbubuklod sa komunidad at pagkilala sa mga lingkod-bayan na patuloy na naglilingkod sa kanilang nasasakupan.

Ayon pa rito, sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad ay mas marami pang programang maaaring maisulong para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.

Dumalo rin sa selebrasyon ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan at Alaminos City upang ipakita ang kanilang suporta at pasasalamat sa mga barangay officials.

Nakiisa rin sa programa ang ilang panauhin at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hundred Islands Festival 2026 na may temang “A Hundred Islands, A Thousand Stories.” |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments