Mga Local Government Official sa Cebu City, walang sapat na koordinasyon sa pagsugpo sa COVID-19, ayon sa isang opisyal

Wala umanong sapat na koordinasyon ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa lalawigan ng Cebu.

Ito ang napansin ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na dahilan kung kaya’t pumalo nang mataas ang bilang ng positibo sa COVID-19 sa lalawigan.

Ayon kay Antiporda, mula sa Barangay level hanggang sa Provincial Government ay walang nagiging maayos na koordinasyon sa pagtugon sa COVID-19.


Bunsod nito, nanawagan siya na magkaisa ang lahat ng mga Cebuano sa pagharap sa krisis para mailigtas ang buhay ng mga residente.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ilagay ang Cebu City sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments