Negros Occidental, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang mga local officials ng Negros Occidental sa magiging epekto sa ekonomiya at turismo sa Pilipinas ang nangyari sa Resorts World Manila kugn saan 38 katao ang namatay sa pag-atake.
Nanawagan naman si Negros Occidental Governor Alfredo Maranon Jr. sa mga otoridad at publiko na palaging mapagmasid.
Ayon pa sa gobernador na ang nangyari sa Resorts World at ang Marawi crisis ang magdudulot ng takot sa mga negosyante at mga turista.
Para naman kay frank Carbon, Metro Bacolod Chamber of Commerce and Industry Executive Officer and Philippine Chamber of Commerce and Industry Regional Governor, nakalulungkot ang nangyari sa Resorts World.
DZXL558
Facebook Comments