Dating PBA player na si Bong Alvarez, arestado habang gumagamit ng droga sa Quezon City

Quezon City, Philippines – Arestado ang dating PBA player na si Bong Alvarez matapos maaktuhang gumagamit ng droga sa Barangay Sikatuna, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District Director P/ Supt. Guillermo Eleazar, isisilbi lang sana ng mga tauhan ng QCPD Special Operation Unit ang warrant of arrest sa kasong slight physical injury laban kay Alvarez.

Depensa naman ni Alvarez, sinundo siya ng kaniyang mga kaibigan na sina Mike at Junior sa Valenzuela City para pahiramin ng pera.


Pero inaya aniya siyang gumamit muna ng shabu.

Maliban kay Alvarez, naaresto rin ang dalawa niyang kasamahan na sina Ray Allan Cruz at Mohammad Dana.
DZXL558

Facebook Comments