Holdaper, patay sa engkwentro sa Maynila

73

Manila, Philippines – Patay agad ang isang notoryus na holdaper na si alias Andak matapos na manlaban sa mga pulis sa may Muelle Del Rio sa likod ng Lawton Post Office sa Maynila kanina pasado alas dose ng hatinggabi.

Si alyas Andak ay kilala na nambibiktima sa may bahagi ng Taft Avenue.


Ayon kay Lawton PCP CMDR Senior Inspector Randy Veran, tiyempong may dalawa siyang pulis sa Barangay 660 sa San Marcelino nang magpasaklolo ang biktima na si Mary Joy Pedrina na nahold up ng suspek at tinangay ang kanyang bag.

Sakto namang tumugma ang description ng biktima sa suspect kaya itinimbre agad sa iba pang pulis.

Namataan ang suspect sa lugar at nang aktong aarestuhin ay bumunot ito ng baril at nakipagbarilan na nagbunsod sa kanyang pagkamatay.

Nabawi naman ang bag na dala-dala ng suspect at narekober sa crime scene ang baril na ginamit nito.
DZXL558




Facebook Comments