Mga lugar na isinailalim sa Signal No. 1, nadagdagan pa

Dumami pa ang mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng storm Signal No. 1 dahil sa epekto ng Bagyong Aghon.

Narito ang mga lugar na nasa ilalaim ng storm signal.

𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧:
Sorsogon, Albay (Manito, Legazpi City, Tabaco City, Rapu-Rapu, Santo Domingo, Malilipot, Bacacay, Malinao, Tiwi), Catanduanes at Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Sagñay, San Jose, Lagonoy, Tigaon)


𝐕𝐢𝐬𝐚𝐲𝐚𝐬:
Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa, Dulag, Mayorga, Macarthur, Abuyog, Javier) at Southern Leyte (Silago, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan, San Juan, Liloan, Saint Bernard, San Ricardo, Pintuyan, San Francisco)

𝐌𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨:
Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama ang Siargao – Bucas Grande Group and Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag)

Huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Aghon sa layong 240 KMS East ng Hinatuan, Surigao del Sur at may pagbugso na nasa 55 kilometers per hours malapit sa gitna.

Kumikilos ito Kanluran, Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hours.

Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Benison Estareja, lalakas pa ang Bagyong Aghon at may tiyansang mag-landfall sa Northern o Eastern Samar bukas ng umaga.

Posible rin itong maging Severe Tropical Storm sa Linggo na nasa katubigan na ng Eastern Luzon bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Martes.

Facebook Comments