Bumaba na sa 77 ang bilang ng mga lugar sa bansa na isinailalim sa granular lockdown.
Batay sa datos ng PNP Command Center, ang mga lugar na ito ay sakop ng 61 barangay mula sa 18 mga lungsod at bayan sa buong bansa.
Apektado naman ng granular lockdown na ito ang may 273 na indibidwal o 99 pamilya kung saa, pinakamaraming naitalan sa Cordillera Region na may 121 indibidwal.
Sa ngayon, binabantayan ng 92 pulis at 118 force multipliers ang mga lugar na naka granular lockdown.
Facebook Comments