Mga lugar na naka-lockdown sa Quezon City, sumampa na sa 51

Pumalo na sa 51 ang mga lugar na nasa Special Concern Lockdown sa Quezon City matapos mahawaan ng COVID-19 ang mga kumbento.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, mula sa 43 noong Lunes, September 13, iniakyat ito sa 51 matapos ang biglang paglobo ng mga nahahawaan.

Paliwanag ng alkalde na kabilang sa mga bagong talaan ng mga lugar na naka-lockdown ay ang isang bahay ampunan at dalawang kumbento kung saan mga bata, madre, pari, lay pastors, caregivers at mga registered nurse ang tinatamaan ng COVID-19.


Partikular aniya na lugar o komunidad na lamang ang naka-lockdown at hindi ang buong barangay.

Agad nagsagawa ng malawakang contact tracing at swab testing ang Quezon City health department para tukuyin ang iba pa na posibleng nahawaan.

Namigay na rin ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng food packs, health kits at mga vitamins sa mga apektadong residente.

Facebook Comments