Bumaba pa sa 556 mula sa 790 ang mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, 334 ang nasa Cordillera; 138 sa Cagayan; 49 sa National Capital Region (NCR); 19 sa Mimaropa at 16 sa Zamboanga.
Batay sa Philippine National Police (PNP), aabot sa 38,027 indibidwal ang apektado ng lockdown.
Nagpakalat din ang PNP ng 190 personnel at 386 na force multipliers sa mga lugar na naka-lockdown para matiyak ang seguridad at nasusunod ang public minimum health standards.
Facebook Comments