Palasyo, kumpiyansang maitataguyod ni Justice Ong ang rule of law sa bansa

59
Photo Courtesy: PTV

Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malacañang kay Atty. Michael Pastores Ong na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong associate justice ng Court of Appeals.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, umaasa silang maipagpapatuloy ni Justice Ong ang rule of law sa bansa gayundin ang integrity, impartiality at probity ng Justice system.

Nabatid na si Ong ang papalit sa binakanteng posisyon sa Court of Appeals ni Justice Samuel Gaerlan na itinalaga na sa Kataas-taasang Hukuman.


Nanungkulan din si Ong sa Office of the President noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino bilang Office of the Chief Presidential Legal Counsel.

Facebook Comments