Inihayag ngayon ng Marikina City Government na all-set na ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa Palarong Pambansa 2023 na kanilang iho-host.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, umulan o uminit man ay tuloy pa rin ang opening ceremony mamaya.
Paliwanag ng alkalde sa ngayon ay nalinis na ang Marikina Sports Center na venue ng athletics, football, swimming, tennis at volleyball gayundin ang iba pang gym na gagamitin sa ibang sports kung saan ay nalinis na rin ang Marikina River Park.
Dagdag pa ni Mayor Teodoro na ala-1:00 mamayang hapon ay magkakaroon nang pre-opening show sa Marikina River Park na tatampukan ng dragon boat exhibition, marching band at water show canon.
Pagsapit naman ng ala-1:30 ng hapon, magkakaroon ng parada para sa pagsisimula ng Palarong Pambansa sa Marikina River Park na matatapos sa Marikina Sports Center kung saan ay alas-9 ngayong umaga ang venue ng iba’t ibang palaro sa Marikina na gaganapin sa covered gym ng mga sumusunod:
• Barangka
• Marikina Heights
• Santa Elena
• Concepcion Uno
• Concepcion Dos
• Santo Niño
• Malanday
• Parang
• Tumana
Samantala, sinabi naman ni Mayor Teodoro na kung sakaling uulan ay malilimitahan ang ilang aktibidad at pwedeng ma-extend ang petsa ng palaro.