Mga lumabag sa health protocols sa mga lugar na nasa MECQ, umabot na sa mahigit 185,000

Patuloy na dumarami ang mga lumalabag sa health protocols ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) Plus.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula August 21 hanggang 26, umabot na sa 185,521 ang MECQ violators.

Sa nasabing bilang, 160,122 ang mga nasita, 21,614 ang mga pinagmulta at 3,785 ang iba pang violators.


Nakapagtala naman ng 10,495 curfew violators at 12,735 non-Authorized Person Outside Residence o non-APORs violators sa NCR Plus.

Pero sa kabuuan, umabot na sa 287,399 ang lumabag sa health protocols na ipinatutupad sa buong bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, patuloy ang panagawan ng PNP na sumunod sa health protocols para sa kaligtasan ng sarili, pamilya at komunidad lalo’t patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments