Manila, Philippines – Hindi inaalis ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang posibilidad na magsampa siya ng kaso laban sa mga lumabag sa kanyang karapatan sa pribadong komunikasyon.
Sinabi ni Aguirre na ilan sa posibleng isampa niyang kaso ay kriminal, sibil at administratibo.
May kaugnayan ito sa nabunyag sa privilege speech ni Senador Risa Hontiveros hinggil sa palitan ng text messages nina Aguirre at dating Cong. Jacinto Paras na naglalaman ng plano daw ng kalihim na paggipit sa senadora.
Sa kanyang official statement, inupakan din ni Aguirre ang kagawad ng media na kumuha ng larawan sa screen ng kanyang cellphone.
Aniya, bukod sa paglabag sa kanyang right to privacy of communication, paglabag din aniya ito sa Anti-Wire Tapping Act.
Facebook Comments