Kalansay ng Albularyo nahukay sa Mount Apo

Nahukay ang kalansay ng isang albularyo na 3 taon ng pinaghahananap. Natagpuan ito sa bahagi ng Lake Maag Brgy. Ilomavis Kidapawan City.

Kinilala ng mga otoridad ang nahukay na kalansay na si Reynaldo Lubendida, sinasabing kilalang albularyo sa bayan ng Makilala North Cotabato na huling nakita noong 2014.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad maaring nakagat ng ahas habang naghahanap ng kanyang mga halamang gamot si Lubendida sa water shed area ng Mt. Apo resulta ng kanyang kamatayan.(DENNIS ARCON)
Google Pic:


Facebook Comments