Kontribusyon sa PhilHealth, balak itaas

*Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng PhilHealth na itaas ang buwanang kontribusyon nila matapos aprubahan sa kamara ang panukalang batas na “Universal Health Care”.*

*Ayon sa tagapagsalita ng PhilHealth na si Dr. Israel Pargas, madaragdagan ng P75 ang P200 buwanang kontribusyon ng kada miyembro.*

*Aniya, sakali kasing tuluyang maisabatas, ipapasok sa PhilHealth ang pondong galing sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kasalukuyang nagbibigay ayuda sa mga mahihirap na pasyente.*


*Sa ilalim kasi ng universal health care, iisang ahensiya na lang ang mamamahala sa health insurance ng lahat ng Pilipino. *

*Tatawagin ang ahensiyang Philippine Health Security Corporation, na papalit sa Philippine Health Insurance Corporation.*

*Pero mananatiling PhilHealth ang abbreviation ng ahensiya.*

Facebook Comments