Palasyo, pinuri ang PCG sa pagtataboy ng mga barko ng China sa Sabina Shoal

56

Pinuri ng Malacañang ang pagtatabog ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga barko ng China sa Sabina Shoal sa West Philippines Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patunay ito na ang ating ang mga barko ang nagpapalayas ng mga banyagang barko at hindi tayo ang pinaaalis sa ating karagatan.

Malinaw aniya na ang Sabina Shoal ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at malapit ito sa Palawan.


Muling tiniyak ng Palasyo na nananatiling commited ang pamahalaan sa pagtatanggol ng soberenya at karapatan ng Pilipinas sa West Philippines Sea.

Facebook Comments