Mga lumang uniporme ng mga Pulis sa Ilocos Norte, ginawang bags

iFM Laoag – Viral ngayon sa Social Media sa Ilocos Norte ang mga lumang uniporme ng mga Pulis dito dahil imbesna itapon o sunogin, ginawa na lamang itong mga bags.

Ayun kay Police Provincial Director Col. Julius Suriben, mas maigi nalang itong gawing bag kaysa punitin o sunogin ang uniporme ng mga pulis na nakaka-demoralize. Ang pagrecycle umano nito ay laking tulong sa lakikasan.

Dagdag pa ng director na pangunahing gagamitin ito bilang souvenir ng mga bisita sa kanilang kampo upang magsilbing token ang mga ito. Pinag-aaralan pa ng kapulisan kung pwede din itong ibenta sa publiko dahil pwedeng lumabag ito sa Revised Penal Code Article 177 – Usurpation of authority at Article 179 for Illegal Use of Uniforms or Insignia. | via Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments