Mga lumusong sa baha nitong Bagyong Karding, pinapupunta ng DOH sa health centers

PHOTO BY: RENE H. DILAN

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga residenteng lumusong sa baha sa kasagsagan ng Bagyong Karding na magtungo sa health centers.

Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, kailangang ma-assess ang kanilang kalusugan at mabigyan ng prophylactic na gamot para hindi tamaan ng leptospirosis.

Pinapayuhan din ni Vergeire ang publiko na lalo pang maglinis sa kapaligiran ngayong panahon ng tag-ulan.


Ang leptospirosis kasi ay nakukuha sa maruming kapaligiran o sa mga lugar na may mga daga.

Kapag ang tubig ay naging kontaminado ng ihi ng daga, maaaring tamaan ng leptospirosis ang indibidwal na may open-wound na lumusong sa baha.

Facebook Comments