Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga siklista at mga madalas na lumalabas ng bahay laban sa banta ng heat stroke.
Ayon kay DOH Director IV Dr. Beverly Ho, dapat magsuot ng komportableng damit at magbaon lagi ng tubig ang mga bumabiyahe ngayong pumasok na tayo sa dry season.
Kasunod nito, ipinaalala naman ni Ho ang mga sintomas kapag nakakaranas ng heat exhaustion kagaya ng panlalamig ng kamay, pagkahilo, mabilis na pagtibok ng puso at ang muscle cramps.
Pinayuhan din ni Ho ang mga nagbibisikleta na maglaan ng oras para makapagpahinga lalo na kapag sobrang init ng panahon.
Facebook Comments