Mga Mag-aaral ng Elementary at High School Bumida sa Talent Festival

Tuguegarao City – Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral ng elementarya at high school sa ginanap na talent festival sa SM Center Tuguegarao City Downtown kahapon, Pebrero 19, 2018.

Nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t- ibang barangay dito sa lungsod ang naturang pagdiriwang.

Dito ay itinampok ang pagpapakitang gilas sa pagsayaw, pag-awit, bar-tending at landscape designing.


Ayon kay Dr. Denison Domingo, Tuguegarao City Schools Division Superintendent, layunin umano ng pagdiriwang na hubugin at hasain ang talino’t talento ng mga mag-aaral batay sa kanilang hilig at interes habang sila ay nasa murang edad palamang.

Aniya, isa lamang ito sa alternatibong ginagawa ng kagawaran ng edukasyon upang tulungang mahubog ang mga mag-aaral hanggang maging ganap na propesyunal.

Sa pakikipagtulungan ng SM Tuguegarao Center City Downtown ay masayang naidaos ang talent festival at inaasahang mas maraming pang mag aaral ang makikilahok sa susunod na buwan.

Facebook Comments