Mga mag-aaral ng Sibago Island walang sapat na silid-aralan

Manila, Philippines – Tila nakakaawa ang kalagayan ng mga mag-aaral sa Sibago Island Mohammad Adjul lalawigan ng Basilan dahil walang sapat na classroom, upuaan at blackboard ang kanilang paaralan, wala rin silang mga regular na guro ang nagtuturo sa higit dalawang daang mag-aaral mula sa kinder hanggang sa grade six.

Pawang mga volunteer teachers lamang mayroon ang mga ito, at nakakalungkot dahil walang sapat na kaalaman ang mga ito dahil 3rd year at 4th year high school lamang ang natapos.

Dahil ayaw nilang mahuli ang mga bata sa kaalaman, kung kayat nag-volunteer ang ilang mga nanay upang kahit paano maituro sa mga bata ang magandang asal.


Ayon naman sa barangay chairman ng Sibago Island Abdurahim Culong, simula noong 2010 ng tanggalin ang ilang mga regular na teacher ng Department of Education sa isla ng Sibago dahil hindi ang mga ito palaging pumapasok sa takot na sila ay dukutin.

Tila nakalimutan na ng pamahalaan ng lalawigan ng Basilan na bigyan ng sapat na serbisyo sa isla ng Sibago dahil maliban sa walang sapat na classroom, wala ring health center at day care center.

Ang isla ng Sibago may higit tatlong libong mga residente ang nakatira.
DZXL558

Facebook Comments