Tommy Esguerra at Miho Nishida – hiwalay na

Manila, Philippines – Kumpirmado nang break na ang Pinoy Big Brother stars na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida.

Ayon sa Star Magic na humahawak sa kanila – nagkasundo ang dalawa na putulin na ang kanilang relasyon matapos ang mahigit isang taon.

Sa kabila nito, hindi naman inihayag ang dahilan ng break ups ng dalawa.


Taong 2015 nang makadebelopan sina Tommy at Miho habang nasa loob ng bahay ni kuya.

Facebook Comments